Luke 12:15
“Watch out! Be on your guard against all kinds of greed; a
man’s life does not consist in the abundance of his possessions.”
Marami sa atin may utang because we are covetous. Nagnanasa
sa hindi naman natin pag-aari, o nagnanasa sa hindi naman natin ma-afford. Kaya
panay ang utang. Yan yung “enjoy now, pay later.”
Nandyan na yung mga hulugan, mga paiyakan. Gusto nang
magka-duster kahit wala pang pambili kaya kukuha na naman ng pahulugan, hindi
na baleng malaki ang tubo. Ano ngayon ang nagiging resulta? Lalong naghihirap
sa dami ng binabayaran. Pagdating ng suweldo, nakasimangot. Pagkahawak kasi ng
suweldo, bayad dito, bayad doon. Wala na namang natira. Mangungutang na naman.
Sa dami ng hulugan, lagi tuloy lukot ang mukha. Minsan, gutay-gutay na ang bag,
hindi pa bayad. Paano, nag-aapura tayo to enjoy.
Marami sa atin ang nananatiling mahirap dahil hindi pa
naitatanim yung palay, naipangutang na ang aanihin. Paano ka namang gaganahang
magtrabaho at magsumikap gayong alam mong pagkaani ay hindi mo na mahahawakan
ang kita? Diretso na kasi sa pinagkakautangan. Yung ibang empleyado hindi pa
sumusuweldo ay nakaprenda na ang paycheck. Maraming ganyang raket ngayon. Hindi
na nakukuha yung suweldo. Na-enjoy na kasi agad.
Alam nyo bang yang “enjoy-now-pay-later” in a way is a
Satanic idea? Dahil ganyan ang kasalanan. Enjoy now, pay later in hell.
Magkasala ka ngayon, magpakasarap ka. Hindi godly yan. Ano ang ginawang
halimbawa ng Panginoon? Suffer now, enjoy later. Ganun ang Christianity.
Magtiis ngayon, magtanim ngayon, saka na ang ani.
----------------------------------------------------------Ecclesiastes 4:4
And I saw that all labor and all achievements spring from
man’s envy of his neighbor.
Ang mga taong panalo sa buhay, kapag nakakakita ng katulad
nilang winner, tinitingnan nila kung ano yung mga good qualities na puede
nilang matutunan at nang mahawahan naman ng biyaya ng mga ito. But envious people are full of jealousy when
they see other people succeed.
Pag may kapatid tayo, pinsan, o kaibigan na umaasenso at
sumisikat, nagseselos ba tayo? Sinasabi ba nating, “Hindi ka na ma-reach”? Yung mga mahilig magsabi nyan ay malamang mga
inggitero’t inggitera. Kasi kung meron kang dating katabla lang na umasenso
nang umasenso at hindi mo na maabot, dapat kang matuwa. “Wow! Hindi ko na siya
ma-reach. Ang saya! Kasi kung reach na reach ko pa rin siya, e pareho lang
kami. Wala pa rin syang narating.”
Ganyan talaga ang mga taong panalo. Hindi maabot dahil
umaangat. Yung mga pinsan nating dati ay kahabulan natin sa gilid ng ilog, abot
na abot mo, ngayon ay pa-apo-appointment pa. “Wow! Asenso na talaga itong
pinsan ko. Kailangan pa natin ng appointment. Siguro talagang busy. Ang dami
sigurong negosyong inaasikaso.”
Kaya nga tama lang na paminsan-minsan tinatanong natin ang
sarili natin, “Teka, nagiging inggitero ba ako?” Sapagkat ang taong naiinggit at naninibugho
ay walang katinuan at mali-mali ang pinaggagawa sa buhay. Nagiging mapanira at
pawang pamimintas ang lumalabas sa kanyang bibig. Where there is envy, there is
jealousy; and where there is jealousy, there is criticism.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
hindi ko kayang maging matibay.. Si Lord lang ang nagpapatibay sa akin..
------------------------------------------------------------
LAGING MAY LOVE
Romans 8:38-39
I am sure that nothing can
separate us from God’s love—not life or death, not angels or spirits, not the
present or the future, and not powers above or powers below. Nothing in all
creation can separate us from God’s love for us in Christ Jesus our Lord!
Walang anumang
kapangyarihan–liwanag o dilim, taas o baba, lapad o kitid–ang puedeng
maghiwalay sa atin sa Dios sa pamamagitan ni Jesus. Pagka nagkakamali tayo o
pakiramdam natin galit sa atin ang Dios–siempre hindi natutuwa ang Dios kung
nagkakamali tayo–alalahanin natin itong Romans 8. Mahal pa rin tayo ng Dios.
Kahit hindi natutuwa ang
magulang na napapahamak o may ginagawang hindi maganda ang anak, mahal pa rin
nila. Kaya parang mali pagka conditional na yung love ng magulang. “Hindi na
kita mahal kasi pitong taon ka na sa high school.” Kahit ba labinlimang taon,
mahal mo pa rin yan dahil anak mo. Sa iyo naka-assign yan para ikaw ang
magmahal. Sino ang gusto mong magmahal sa kanya, ang principal? Hindi ito
pangungunsinti pero dapat walang patakarang pagmamahal yung pamilya.
At kahit pa nga ang love ng
human parents ang pinakamalapit na sa godly love, nagkukulang pa rin kung
minsan. Pero ang Dios hindi. Kahit gaano ka ka-bigo, gaano pa kasama ang nagawa
mo, gaano karumi ang nahulugan mong kanal, mahal ka pa rin ng Dios. Nothing can
separate you from the love of God.
And that same love is the
love that we should give to one another. Hindi tayo judges ng isa’t-isa, we are
extensions of God’s love. Kailangan maging mas maibigin tayo sa ating kapwa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TO LEAD IS TO FOLLOW
Ephesians 6:5, 9
Slaves, you must
obey your earthly masters. Show them great respect and be as loyal to them as
you are to Christ. Slave owners, you must treat your slaves with this same
respect…
You cannot be a
good leader if you are not a good follower first. You cannot be a good leader
if you are focused on making a personal kingdom. What is leadership? Leadership
is trust from God. Leadership is responsibility. Inilalagay sa iyo ng Dios ang
mga taong nasa ilalim ng iyong pangunguna para sila ay iyong arugain, turuan,
at tulungan, hindi para mo pagsamantalahan at gamitin na pampataba ng iyong
puso. Value people as you would like to be valued.
Hindi madaling
maging boss. Kaya nga may nagsasabi na
the greatest revenge is when there is a role reversal. Kapag ang anak daw ay naging magulang na,
“nakaganti” na ang magulang. Ganun din
kapag ang estudyante ay naging teacher na rin.
When the slave becomes master, nagkakaroon ng justice. Mararamdaman na nila ang hirap. Akala nung iba, masarap yung lagi kang nasa
presidential table, inaabutan ng atis, nireregaluhan, kinakamayan na may
nakaipit na kung ano. Yun lang mga perks
kasi ang nakikita ng iba. They do not see the difficulty.
Walang matinong tao
ang gustong mag-volunteer na maging leader dahil alam nila ang hirap nun. You
live in a glass house and have to please everybody. Kaya kung ikaw ay wala pa
sa rurok ng organizational chart, be submissive. Matutong sumunod at gumalang sa mga
nakatataas. Kasi pagka tinawag ka na ng
Dios para maging leader, yung itinanim mong magandang pagsunod, yun din ang
aanihin mo.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
PALAKIHIN ANG UTAK
Isaiah 54:2
Make your tents larger!
Spread out the tent pegs; fasten them firmly.
Though the Lord has
commanded man to multiply physically, it is also very important that we
multiply essentially. We must magnify the essence and the spirit of life by
multiplying in terms of fruit and production, work and meaning. Habang lumalawig ang buhay, dapat tayo lalong
nagkakaroon ng halaga, maraming napo-produce, natututuhan at naituturo. Kaya
lang ang mga tao minsan ay tumatanda nang paatras. May makikita kang kakilala, wala nang ibang
topic kundi asawa nya. Napakalimited ng
repertoire ng topic na alam pag-usapan: ang asawa nya, ang apo nya, at ang
kanyang mataas na blood sugar. Kailangan
naman na pinapalaki ang mundo at ang mga performances natin para mag-enjoy at
makinabang, hindi lang tayo, kundi ang ibang tao rin.
Kung hanggang ngayon hindi
nyo pa rin ma-spell nang tama ang Mississippi at nalilito pa rin sa agreement
between subject and predicate, may problema kayo sa buhay. Insecure pa rin ba tayo sa pronunciation ng
mga French menu sa restaurant? Hindi ka
pa rin natututong lumangoy after twenty years?
Bakit hindi pag-aralan? Maraming mga Kristiano hanggang ngayon, ang
akala nila relo si Titus, at ang Sodom at Gomorrah ay lovers na kagaya nina
Romeo at Juliet.
Napakalaking pandaraya ang
ginagawa natin sa buhay kung hindi tayo umaasenso. Hindi tayo dapat patuloy na magkubli doon sa
mga bagay na hindi natin magawa. Kailangang nag-aaral at pinalalaki ang utak.
Dito nakasalalay ang pagyabong, pamumulaklak, at pamumunga ng buhay ng tao.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG YAMAN NG MAHIRAP
Ecclesiastes
5:12
If you have
to work hard for a living, you can rest well at night, even if you don’t have
much to eat. But if you are rich, you can’t even sleep.
Pagka pagod
na pagod ang katawan mo sa pagtatrabaho, one thing is sure. Pag higa mo, tulog ka na agad. Di ba ang sarap nun? Samantalang may mga mayayaman na palibhasa’y
hindi napapagod, ang dami-dami pang siesta time, hindi patang-pata ang katawan,
ang tagal nang nakahiga hindi pa makatulog.
Bihira kang
makakita ng kapwa nating mahirap na nakahiga na nang matagal ay hindi pa
tulog. Usually hindi pa nga nakalapat
ang likod, naghihilik na. And it’s a
blessing to be able to sleep well. Daig
mo pa ang mayaman kahit nakahiga ka lang sa sako ng mais. Unan-unan mo pa ang
isang kabang bigas o isang buwig ng saba.
E di ba ganun yung mga tindera sa palengke pag alas dos ng hapon? Pag matumal ang benta, hihiga na lang bigla
at ibubuwal yung sarili nila sa V-meg Feeds o kaya isusubsob nila ang mukha sa
isang salop na mani, tulug na tulog. Yun
ang blessing.
Hard work is a blessing to those who have to
work hard because it ensures that you will sleep well. And sleeping well is a form of wealth that
many wealthy people don’t enjoy. Possessing does not guarantee enjoyment or
happiness. In fact, possessing could be
a terrible burden. So you do not have to
own something to enjoy it. Many best
things in life are free. Maraming
blessing na inilaan ang Dios para sa lahat, hindi lang sa mga mayayaman.
---------------------------------------------------------
TUMIGIL MAG-WORRY
Matthew 6:27
“Can worry
make you live longer?”
Laging kinakatakutan ng mga tao kung ano ang
mangyayari sa kinabukasan. Maraming
mahilig mag-alala, “Naku, malapit na yatang magunaw ang mundo. Lagi na lang bumabaha.” Lumang istorya na ang mga baha. Wala nang tatalo sa baha noong panahon ni
Noah. “E bakit parang naiiba na rin ang
klima?” Maraming beses nang nagpalit ang
klima ng planeta at dahil wala pa tayo noon dito, hindi natin alam. May dapat bang katakutan if God is God of the
climate? May bumabagsak bang kahit isang
patak ng ulan sa lupa na hindi alam at hindi pinayagan ng Dios? Marami tayong mga pinoproblema na hindi naman
natin dapat problemahin kasi hindi tayo Dios.
Huwag
magpatumba sa kaiisip tungkol sa global warming. Dios na ang makikialam d'yan. Ang gawin natin
ay magtipid sa kagagamit ng aircon, huwag mag-contribute sa pollution ng mundo
at sa pagbutas ng ozone layer, and have an environment-loving lifestyle. Yun ang mga kaya nating gawin. Pero hindi natin kayang pigiling matunaw yung
mga bunduk-bundok na yelo sa North Pole. Problema ng Dios yun.
Kung bumaha
man at palubuging muli ng Dios ang planeta, hindi ba binuhay naman nya si
Noah? Yun ang isipin natin. Kung magkaroon man ng disaster, puedeng
piliin ng Dios na buhayin tayo. Kaya
siya ang dapat nating i-please dahil siya ang may hawak ng lahat. Huwag nating
hawakan yung hindi natin kayang hawakan.
Huwag nating problemahin yung hindi natin kayang lutasin. Pag walang
solusyon, hindi problema. Mag-adjust
tayo, ipanatag ang loob, at huwag mag-alala because our God is God.
----------------------------------------------------------------------
MAGING GALANTE KA NAMAN.
Proverbs
11:25
Generosity
will be rewarded: Give a cup of water, and you will receive a cup of water in
return.
Kailanman ay
hindi masasayang ang tulong na ibinibigay sa isang nangangailangan. Sayang ba kung magpa-shine ka ng sapatos sa
isang naghahanapbuhay na shoe-shine boy kahit malinis na ang sapatos mo? Pagtatapon ba ng pera kung bibigyan mo ang
isang minimum-waged waiter ng malaking tip knowing na nakaasa lang ang kanyang
anak o asawa kung nagka-tip ito? At sa palagay nyo ba, hindi malulugod ang Dios
na nagbibigay tayo nang ganun sa mga maralita, lalo pa nga at pinaghirapan
naman nila?
Kung may
labandera ka at ang usapan nyo ay P300 a day, tatanggalin mo ba ang lahat ng
mga nakakabit na kurtina at mga bedsheets pati mga trapal ng tricycle at jeep
para lang talagang masulit ang bayad mo?
“Dali, ilabas nyo nang lahat, para sulit na.”Malaking bagay ba kung maagang
matapos ang labandera mo for the same rate dahil konti lang ang pinalabhan
mo? O kailangan ba talagang hanggang
hindi lumulubog ang araw ay hindi siya tumatayo sa labahan? Baligtarin mo. Kung ikaw yung labandera,
matutuwa ka bang makitang tatlong bundok ang lalabhan mo for P300? O matutuwa
ka ba kung kahit P300 ang usapan, nang matapos kang maglaba ay ginawang
P500? Para sa mga nangangailangan,
napakalaking bagay ito.
------------------------------------------------------------------------
Mahalin mo ang Trabaho mo .
Ecclesiastes
9:10
Work hard at
whatever you do. You will soon go to the world of the dead, where no one works
or thinks or reasons or knows anything.
Anuman daw
ang ginagawa mo ngayon, ibuhos mo na lahat ang kaya mo, pagandahin mo, give
your best, kasi pagka namatay ka na, wala ka nang gagawin. E ang tagal-tagal
mong patay. So habang may ginagawa ka, magpasalamat ka’t may ginagawa ka. Do,
give, and produce your best. Whatever it is.
And do not
behave like a prima donna when you become successful or fruitful. Hindi komo
mataas na ang ranggo mo, late ka nang darating at pa-star ka na. Ibig sabihin
nun hindi mo minamahal yung trabaho mo. Isipin mo, nagpakadalubhasa ka,
nagpakahirap, kung anu-ano ang ginawa mo para tumaas ang posisyon mo, at pag
nandun ka na, saka mo ilalabas yung mga arte at bisyo mo. This is one major cause of the downfall of
many celebrities, artists, and professionals. Hirap na hirap magpa-extra-extra
para makilala. Pagka siya na ang bida sa pelikula, dalawang araw nang walang
trabaho yung mga extra dahil wala siya sa mood.
Many
achievers just become complacent. They become rich and are able to afford
drugs, alcohol and all kinds of vices. Then they begin to self-destruct. When
they become very successful, they forget to love their work, their craft, and
their career. They become negligent, overconfident and unkind just because they
could.
-----------------------------------------------------------------------
TAKOT AKO E
1 Thessalonians 5:11
That’s why you must encourage and help each other, just as
you are already doing.
Kung tayo ay matatakutin, huwag tayong manakot ng ibang
tao. Maraming tao ang takot din kaya
hindi na dapat dagdagan ang kanilang takot. Kahit mga lalaking
nagmamacho-macho-han at naglalakas-lakasan ng loob, may mga takot din yan. Ikaw namang babae, “Daddy, Daddy, pinakasalan
kita kasi ayaw kong maghirap. Baka maghihirap tayo ha?” Dinadagdagan mo yung fear nya. Dios ba siya?
Alam ba nya na hindi kayo maghihirap?
Kung sinisikap nyang bigyan ka ng mabuting buhay pero kung hindi
nagiging mabuti at dumadaan kayo sa mga pansamantalang paghihirap, palakasin mo
ang loob ng iyong asawa kaysa naman takutin mo.
Alam na alam mong mahina sa Math yung anak mo at ilang beses
nang bumagsak, sasabihin mo pa, “Pag bumagsak ka pa (finish the
sentence)…” E di dinadagdagan mo yung
takot. ‘Tapos pag nagpapakamatay, “Anak,
bakit ka nagpakamatay, para yun lang?” E
tinakot mo e. Puede mo namang sabihin,
“Alam mo, gusto ko mataas ang grade mo para sa sarili mo at para rin sa
kasiyahan namin. Pero, anak, kahit ano
pang abutin ng grade mo, mahal ka pa rin namin.” Huwag kayong mag-threaten ng tao, lalo’t alam
nyo na yung weakness nya.
Do not trivialize the fears of others. Takot yung asawa nyo sa daga, sasabihin nyo,
“Daga lang e!” ‘Tapos ihuhulog mo pa sa
loob ng bra nya yung daga. Ang reality
mo hindi nakakatakot ang daga, pero ang reality nya, nakakatakot iyon. Igalang nyo ang kanya-kanyang mga realities. Huwag nyong mamaliitin ang mga
kinakatakutan. Help those who have
fears.
#Kung may nasimulan ka na, tapusin mo ng may dangal. Wag matakot na baka mag fail kase it's part of growing and learning
wag kayo matakot mag take ng risk
mag fail man yun, atleast may experience ka na & may natutunan.
)
#Huwag mong isiping hindi mo kaya kung hindi mo pa sinusubukan .
#Ang Magandang kinabukasan ay para sa mga Taong Nagtitiwala sa kanyang kakayahan.
#Our life, our time, talents and money are all gifts from God. This can provide us clarity as to how we will "spend" or "invest" our life for our LORD.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The power of The Holy Bible
The Power Of The Holy Bible
Ti 3:16 -17: Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
17 .Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
Teaching ,Rebuking,Correcting, Ang Training in Righteousness.
Para sa mga Bagong karanasan ng Mananampalataya Ang Kapangyarihan Ng Salita ng Diyos ay Panatilihin Sa kanilang puso ang salita ng Diyos at magagawang ma-iaplay ito. titingnan natin ang 3 Areas tungkol sa salita ng Diyos.
1. Ano ang Biblia- What is the Bible
2. Kahalagahan Ng Bibliya – Importance Of The Bible
3. Paano Makalapit sa Salita ng Diyos -How to Draw near to the Word Of God
4. Paano pag-aaralan ang Salita ng Diyos - How to study The Word of God
5. Mga Benepisyo ng paglapit sa Salita ng Diyos - Benefits of Drawing near to the Word Of God
6. Paano ko makukuha ang kapangyarihang iyon sa aking Buhay -How do I obtain that power in my Life.
Dapat nating mahalin ang Salita ng Diyos at sundin ang Mga Tagubilin nito sa Parehong Paraan gaya ng Captain Of A ship ay sumunod sa kanyang kompas.
· Ang Bibliya ay isang Mahusay Treasure bilang Ito Naglalaman ang kasagutan sa lahat ng ating mga pangangailangan.
Basahin natin kung ano ang itinuturo sa Deut. 28: 1,2
Deu 28:1,2. At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa:
2. At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.
-Kapag pinag aralan natin ang Biblia nang buong Taimtim, Ang Diyos ay nagsasalita sa atin .
-Ang biblia ay hindi lamang nagsisilbing isang Dokumento na Nagpapahayag kung sino ang Lumalang sa atin o sino tayo .
-Kundi ito rin ay Gumaganap na tinig ng Diyos na naghahayag ng kanyang Presensiya at kapangyarihan sa ating Buhay .
I. Ano ang Biblia- What is the Bible ?
Ano ang iba't ibang Names at Titles na ibinigay sa Biblia. (Word of God )
A. The Bible, The Holy Bible, The Scripture ,
The word of God, The old And New Testament .
Ang salitang Biblia ay nagmula sa salitang Griyego na "biblos at biblion" (sa diminutive)
Parehong nangangahulugang aklat. ito ay ang salita ng Diyos na ipinahayag ng Banal na Espiritu sa mga tao upang Maisulat.
Nang sinipi ni Mateo mula sa Lumang Tipan, madalas niyang binanggit na ang Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta Mateo 1: 22: 2: 5
Sa katulad na paraan, binanggit din ni Apostol Pedro na ang mga Propesiyang ibinigay sa Kasulatan ay nagmumulan sa Diyos .. 2 Pet .1:20-21
20 .Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.
21 . Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.
#Ngunit ito ay dapat na nabanggit na kahit na sa pamamagitan ng Biblia ay nagsiwalat sa pamamagitan ng Diyos sa mga kalalakihan upang maisulat. Diyos ay hindi i-override ang personalidad ng mga May-akda.
lahat ng mga ito ay sumulat sa paraang dictated sa pamamagitan ng kanilang sariling mga indibidwal na personal.
II. Kahalagahan Ng Bibliya – Importance Of The Bible
Bukod sa pagkakaroon ng kapangyarihang magbagong buhay, ang Biblia ay tumutukoy din dahil:
A. Ito ang salita ng Diyos at ang Kapahayagan ni Kristo.+ It is God’s Word and the Revelation of Christ -2 Cor. 5:20
Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.
B. Naglalaman ito ng Mga Banal na Batas = It contains The Divine Laws – Jer 31 :33
“Jer 31:33 Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;”
.
Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay- buhay lumilikha ng pananampalataya. Gumagawa ng pagbabago - nagdudulot ng kagalakan ,dumadaig sa kasawian ,nananaig sa tukso , nagdadala ng , pag-asa, nagbibigay ng kapangyarihan ,naglilinis ng ating mga kaisipan .
C. Ang Nilalaman nito, ay 66 na mga libro, ay nagbubuod sa Gawain ng Mga 40 na manunulat mula sa iba't ibang Panahon. = Its Content, in 66 books , Summarizes The Work Of About 40 writters from different Periods.
THINGS THAT MAKE THE BIBLE UNIQUES – 2 Pedro 1: 20-21
a. The Bible is The Revelation of God to Minkind. - Ang Biblia ay Ang Kapahayagan ng Diyos sa sangkatauhan.
“20 Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.
21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.”
b. It refers to the salvation of Mankind. – Ito ay tumutukoy sa kaligtasan ng sangkatauhan
John 6: 32 -33
“32 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit.
33 Sapagka't ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan.”
Example : " Nang pasimula siya ang Verbo( salita) , at ang Verbo ( salita) ay sumasa Dios, at ang Verbo( salita) ay Dios"
Juan 1:1 In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was fully God.
At nagkatawang-tao ang Verbo, (Salita) at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
C.It refers to the Truth. - Ito ay tumutukoy sa Katotohanan. I Juan 2:21
“21 Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi dahil sa inyong nalalaman, at sapagka't alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan.”
Gusto ng Diyos na maging totoo ka sa sarili mo, sapagkat gayon ang hinahanap ng Ama.
Ayaw niya ng mapagkunwari o pakitang tao lamang ,nais ng Diyos ang ating tapat at tunay na pag- ibig .
d. Jesus is the Central Character – Juan 14: 8-9
“8 . Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
9. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala”
“8 . Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
9. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala”
III. HOW TO DRAW NEAR TO THE WORD OF GOD. –
A. Listen carefully to voice of God a Daily basic.- Pakinggang maingat ang tinig ng Diyos sa Pang-araw-araw(Basic)
Deu 28:1 At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa:
Deu 28:2 At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.
1. MATUTONG makinig . . James 1: 19
A. Listen carefully to voice of God a Daily basic.- Pakinggang maingat ang tinig ng Diyos sa Pang-araw-araw(Basic)
Deu 28:1 At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa:
Deu 28:2 At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.
1. MATUTONG makinig . . James 1: 19
Maraming tao ang Nagsisimba o nagpupunta sa Church upang manambahan subalit kung papaano dumako doon , ganoon din lumabas.
Walang pagpapalang natanggap Bakit ? Kasi hindi Nakikinig , kung minsan ay nakikipag-usap sa katabi.
Kung minsan naman nandoon nga ,subalit naglilimayon naman ang kaisipan , ang sabi ni Apostol James
B. Listen / Read it with a Right attitude. - Makinig / Basahin ito na may isang right attitude.
Act 17:11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.
Sa ating pagbabasa ay may tamang dokrina. ang puso at ang isip po ay pareho nating ginagamit .
Kapag Hindi ayos ang Emosyon hindi rin ayos ang AKSYON kaya bantayan lagi ang puso mo .
Dumalangin po tayo sa Holy Spirit na tulungan po tayo upang maunawaan natin ang mga sinasabi ng Biblia .
Basahin natin Araw-araw at sundin ang mensahe nito sa ating araw-araw na pamumuhay .
Magalak tayo na nagsasalita ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Biblia - Ang Biblia ay word of God ating Tanglaw at liwanag sa Buhay.
Act 17:11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.
Sa ating pagbabasa ay may tamang dokrina. ang puso at ang isip po ay pareho nating ginagamit .
Kapag Hindi ayos ang Emosyon hindi rin ayos ang AKSYON kaya bantayan lagi ang puso mo .
Dumalangin po tayo sa Holy Spirit na tulungan po tayo upang maunawaan natin ang mga sinasabi ng Biblia .
Basahin natin Araw-araw at sundin ang mensahe nito sa ating araw-araw na pamumuhay .
Magalak tayo na nagsasalita ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Biblia - Ang Biblia ay word of God ating Tanglaw at liwanag sa Buhay.
C. MEDITATE ON IT ( UNDERTAKE DETAILED STUDY ) ITANIM SA PUSO v.21
Joshua 1: 8
Joshua 1: 8
Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
"Ang banal mong kautusan'y sa puso ko iingatan upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman"
Mahalaga na ang Salita ng Diyos ay ipasok ilagay, ingatan sa ating Puso.
Ito po ang tutulong sayo sa panahon na may suliranin ka o sa panahon kung may dumarating
Na Tukso ,ito ang ibabalik sa ating kaisipan ng Espiritu Santo upang magtagumpay .
Minsan ilalagay ka ng Diyos sa mga sitwasyon kung saan ka mahina para palakasin ka niya doon .
Ang bawat salita ng Diyos ay nagsisilbing kalakasan natin .
Ang bawat salita ng Diyos ay nagsisilbing kalakasan natin .
D. APPLY IT.- IPAMUHAY ANG SALITA NG DIYOS
Mateo 7: 24-27
Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:
25 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato.
26 At ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:
27 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.
" kung ito'y pakikinggan lamang ninyo Ngunit hindi isinasagawa dinadaya ninyo ang inyong sarili "
Ititulad ito sa taong Humarap sa Salamin Nagsasalamin nga Subalit kahit nakakakita ng Dumi pinababayaan din .
Mateo 7: 24-27
Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:
25 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato.
26 At ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:
27 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.
" kung ito'y pakikinggan lamang ninyo Ngunit hindi isinasagawa dinadaya ninyo ang inyong sarili "
Ititulad ito sa taong Humarap sa Salamin Nagsasalamin nga Subalit kahit nakakakita ng Dumi pinababayaan din .
TANGGAPIN ANG SALITA NG DIYOS v.21
Maaaring Pinakikinggan ,subalit hindi naman tinatanggap, sandaling pinapasok subalit hanggang taenga lamang , at Hindi sa puso kaya pagkaraan 'y wala rin po.
( sabihin ninyo sa inyo katabi sa name Tanggapin mo ang salita ng Diyos sa diyan sa puso.) APPLY IT.
E. COMMUNICATE IT AND CONFESS IT.
Roma 10: 10
"Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas."
Ito po ang Tunay na nagagawa ng Biblia nagliligtas sa pamamagitan ng paghahayag na maniwala ka sa puso mo , bumabago ng buhay , nagpapakita ng kamalian itinutuwid ang buhay at ipinauunawaan ang mabuti na makapagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos .
Kaya po hinahamon ko kayo , na hindi lamang mag basa makinig , kundi dumalanging maunawaan ang sinasabi ng Diyos sa atin at kung ito'y iyong susundin, tutuwid ang iyong buhay.
Maaaring Pinakikinggan ,subalit hindi naman tinatanggap, sandaling pinapasok subalit hanggang taenga lamang , at Hindi sa puso kaya pagkaraan 'y wala rin po.
( sabihin ninyo sa inyo katabi sa name Tanggapin mo ang salita ng Diyos sa diyan sa puso.) APPLY IT.
E. COMMUNICATE IT AND CONFESS IT.
Roma 10: 10
"Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas."
Ito po ang Tunay na nagagawa ng Biblia nagliligtas sa pamamagitan ng paghahayag na maniwala ka sa puso mo , bumabago ng buhay , nagpapakita ng kamalian itinutuwid ang buhay at ipinauunawaan ang mabuti na makapagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos .
Kaya po hinahamon ko kayo , na hindi lamang mag basa makinig , kundi dumalanging maunawaan ang sinasabi ng Diyos sa atin at kung ito'y iyong susundin, tutuwid ang iyong buhay.
IV. IV. PAANO MAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS
A. Pumili ng isang lugar na sakto sayo na walang gagambala sayo .
B. Gumawa ng pag-aaral na maging Habit mo na .
C. mag laan ng Personal Devotional ,kung saan isinusulat mo sa notebook araw-araw:
*Ang Personal Devotional ay napakahalaga sa mga mananampalataya hindi dapat nawawala para hindi nadadapa.
* Kung walang personal Devotion ( intimacy with God ) ang paglilingkod mo o pagpunta dito sa church ay nagiging kabigatan syo .o obligation . Nawawala na yun deligth o kagalakan.
1. Mensahe mula sa Diyos sayo ngayon
Ang hugot ng Kristiyano Dapat sa Salita ng Diyos at hindi lang sa sigaw ng Damdamin.
2. Ang Pangako ng Diyos para sa iyong buhay
ANG SALITA NG DIYOS ANG TANGING MATIBAY NA PUNDASYON UPANG MALAMPASAN NG BAWAT FAMILYA AT BAYAN ANG MABIBIGAT NA PAGSUBOK NA MAARING SUMIRA SA ISANG KRISTIYANO.
3. Ang Command upang sumunod - The Command to obey
Mahirap gumalaw kapag wala ka sa kalooban ng Diyos .
4. Personal na application- iapply mo sa buhay mo
A. Pumili ng isang lugar na sakto sayo na walang gagambala sayo .
B. Gumawa ng pag-aaral na maging Habit mo na .
C. mag laan ng Personal Devotional ,kung saan isinusulat mo sa notebook araw-araw:
*Ang Personal Devotional ay napakahalaga sa mga mananampalataya hindi dapat nawawala para hindi nadadapa.
* Kung walang personal Devotion ( intimacy with God ) ang paglilingkod mo o pagpunta dito sa church ay nagiging kabigatan syo .o obligation . Nawawala na yun deligth o kagalakan.
1. Mensahe mula sa Diyos sayo ngayon
Ang hugot ng Kristiyano Dapat sa Salita ng Diyos at hindi lang sa sigaw ng Damdamin.
2. Ang Pangako ng Diyos para sa iyong buhay
ANG SALITA NG DIYOS ANG TANGING MATIBAY NA PUNDASYON UPANG MALAMPASAN NG BAWAT FAMILYA AT BAYAN ANG MABIBIGAT NA PAGSUBOK NA MAARING SUMIRA SA ISANG KRISTIYANO.
3. Ang Command upang sumunod - The Command to obey
Mahirap gumalaw kapag wala ka sa kalooban ng Diyos .
4. Personal na application- iapply mo sa buhay mo
. Kahit Gaano pa man kagaling ang isang Pastor mo , kung di mo rin iaapply ang Turo wala rin itong mararating .
5. .mag memorize ka ng mga Verse.
V. benefits of drawing near to the word of God - mga benepisyo ng paglapit sa ang salita ng Diyos
a. It Teacher ( Doctrine ) – natuto tayo o natuturuan ng salita ng Diyos
b. It Convicts ( makes us aware of our pitfalls) -
NAGBIBIGAY SA ATING KAMALAYAN SA PATIBONG O BITAG .
c. It corrects ( Leads us to the right path ) – pinangungunahan tayo sa tamang Landas.
d. it Instructs ( shapes our Character) – hinuhubog niya ang ating Character.
VI. PAANO KO MAKUKUHA ANG KAPANGYARIHAN IYON SA AKIN BUHAY .
SA loob ng 15 min sa isang araw upang gawin ang mga sumusunod:
a. 5 min to speak to God - 5 min upang makipag-usap sa Diyos.
Huwag ka magtataka kung bakit nanlalamig ka na sa Panginoon baka di ka kasi nakikipausap sa kanya.
b. 5 min. to read the Bible, Starting with the gospel of John and finishing with Revelation.-
5 min. upang basahin ang Biblia, Simula sa ebanghelyo ni Juan at hanggang sa Apocalipsis.
Walang mangyayari sa buhay ng mga taong takot at tamad sa salita ng Diyos.
c. 5 min. to meditate on what you have read.- upang magbulay-bulay sa iyong nabasa.
Minsan sa Facebook ang Haba ng Time mo pero pagdating sa meditate wala kang time.
MAGPATULOY NG MAGPATULOY ANG TUNAY NA RELASYON SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PAG-AARAL NG BIBLIA.
Kahit minsan nahihirapan ka na masaya ka pa rin na naglilingkod ,Mahirap maglingkod kapag hindi si Jesus ang sentro nito. At laging tandaan po natin walang sayang pag dating sa Lord .
Service in Christ & Mentor
Excel B. Javier






