Isa ka bang A.K.N.Y?
Kaibigan, tanong ko lang..
isa ka bang A.K.N.Y? Tunog, ACNE noh?
Anyway, may na experience ka
na ba na nagsabi sa’yo na, “Alam ko na yan”.. yung parang alam na alam na lahat
ng bagay? Pero pag tinanong mo kung paano, walang maisagot at puro haka-haka?
Naku, nagkalat sila..
Minsan may nakausap ako,
sabi ko, may nakita akong online program na pwedeng pagkakitaan ng malaki sa
maliit lang na puhunan. Ang bwelta agad sakin, “Alam ko na yan!” Edi nagulat
ako, sabi ko alam mo na agad? Sabi nya, oo, yan ba yung recruit recruit? Yung
bibili ng product tas mag bebenta-benta? “Alam ko na yan!”
Sabi ko, “Teka akala ko ba
alam mo na? Eh bakit iba ata ang sinasabi mo?” Sabay, “Ano ba yan?”
Kakatuwa diba? Ang
nakakalungkot dito, ang madalas mag sabi ng AKNY ay mga tao na walang
napatunayan. Yung, at the end of the day, nag sstruggle pa din financially.
Pero alam na daw nila ang opportunity na inaalok mo. Kung iisipin, kung alam na
nila, dapat ngayon, mayaman na sila, right?
Hindi dapat tayo magkaroon
ng ganitong klaseng kaisipan, dahil unang-una, hindi lahat ng business
opportunity ay pare-pareho. maaaring may similarities sa income plan, pero sa
kitaan ay magkakaiba.
Kung mapapansin natin, ang
mga successful na tao ay hindi tumitigil sa pag-aaral. Continuous learning ang
ginagawa nila. Hindi sila nag mamarunong. Unlike sa mga AKNY, dahil tingin nila
sa sarili nila ay alam na nila ang lahat, hindi na nila nagagawa pang mag
acquire ng new knowledge, kaya very slow ang kanilang progress, or no progress
at all.
Ito ang isang ugali na dapat
nating pakaiwasan, kung hindi, ito ang magiging dahilan ng hindi natin paglago.
Ito din ang pipigil satin para makamit yung tinatawag na SUCCESS.
Kaya kaibigan, iwasan mo ang
mapabilang sa taong, A.K.N.Y
