Saturday, October 20, 2018




12 Tips HOW TO BE MENTALLY STRONG

1. Huwag kang matakot sa lahat ng oras.
Minsan kailangan din natin na subukan ang lahat ng bagay.isa yan sa pipigil sayo para maabot ang goal mo

2. Huwag ng balikan ang masaklap na nakaraan mo.
Kung anu man yan, kalimutan mo na, dahil di na yan makakatulong sayo.gawin mo itong motivation para hindi na maulit sa future mo

3. Huwag mong pasanin ang mundo my friend, sa dinami dami yata ng problema sa mundo, huwag mong sarilihin yan, minsan kailangan mo din ng makakausap na tao na pwede mong mahingan ng tulong o advice.

4. Huwag umasa na magkakaroon ka agad ng magandang resulta sa ginagawa mo.
Lahat ng bagay kailangan paggugulan ng oras. Walang mahirap na natulog ay pag gising mayaman na. WALA.

5. Huwag mong isipin na kailangan mong i please ang lahat ng tao.
Kung anu ka at kung anung meron ka, ipakita mo. Hindi mo kailangan makipagsabayan sa lahat ng tao para lang masabi na belong ka sa kanila. Kung lahat ng kaibigan mo naka iphone di mo kailangan ng iphone para mapabilang ka sa kanila, ang kailangan mo ay magandang pakikisamahan hindi yung ibabaon ka sa utang para lang masabing belong ka sa kanila.

6. Huwag aksayahin ang oras na feeling mo nakakaawa ka.
Kung feeling mo ay ganyan ka, gumawa ka ng paraan para ma feel mo na worth it kang tao at di kinaka awaan.

7. Huwag magsayang ng oras sa mga bagay na di mo kontrolado.
8. Huwag mong hayaan ang ibang tao na pangunahan ka sa desisyon mo. Ikaw ang may hawak ng buhay mo.
Ikaw dapat ang mag desisyon hindi ang asawa mo o magulang mo kung saan ka sa tingin mo magiging successful ka, ituloy mo lang, darating ang panahon na magbubunga at ipagmamalaki ka nila.

9. Huwag mong tignan kung ANU na ang narating ng mga SUCCESSFUL na tao, ang tignan mo ay KUNG PAANO nila narating ang tagumpay.

10. Huwag mong talikuran kung anu man ang mga responsibilidad mo sa buhay. Lahat tayo may kanya kanyang responsibilities, di mo yan matatakasan.

11. Huwag agad sumuko kung sa una ay di ka naging matagumpay. Walang nagiging successful na tao na sumusuko.
Scientists nga di sumusuko sakaka research kung bilog o flat ba ang mundo haha!

12. Huwag matakot sumugal dahil ang buhay natin ay malaking sugal na.
May mananalo at may talunan. Ikaw na lang ang gagawa ng desisyon kung paano ang magiging laro mo at kung saan ka mapapabilang.

SA MGA TAONG PANALO O SA MGA TAONG TALUNAN?